Nagbalik na sa trabaho kahapon ang mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagsagawa ng “silent protest”.

Hindi pumasok ang ilang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) noong Lunes habang ang iba ay naghain ng indefinite leave of absence sa kanilang trabaho sa NAIA. Ipinoprotesta nila ang hindi pa natatanggap na overtime pay at allowance na halos tatlong buwan na.

Bunsod nito, naperwisyo ang maraming pasahero sa napakahahabang pila sa arrival at departure counter ng paliparan.

(Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Mixed emotions? Cristine kinuyog sa pa-RIP kay Barbie Hsu, self-b-day greeting