EDGAR ALLAN copy

UMALMA si Edgar Allan Guzman sa pahayag ni Mocha Uson laban sa episode ng Ipaglaban Mo drama anthology ng ABS-CBN noong February 11 na tinawag nitong basura.

Si Edgar Allan ang bidang lalaki sa nasabing episode na may titulong “Abuso” katambal si Shy Carlos.

Sa kanyang video blog noong Biyernes, February 17, binigyang pansin ni Mocha ang reklamo diumano ng followers niya tungkol sa maseselang eksena sa episode ng Ipaglaban Mo noong February 11. Kasama rin sa basurang binabanggit ni Mocha ang pilot episode ng afternoon drama series na The Better Half ng ABS-CBN din.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Nagbanta si Mocha na magri-resign sa puwesto kapag hindi naipatupad ang mga pangakong panukala na linisin ang malalaswang eksena sa telebisyon gaya ng diumano’y napanood sa naturang dalawang programa?

Sa pamamagitan ng Instagram post nitong nakaraang Lunes ng gabi, inalmahan ni Edgar Allan ang mga binitawang salita ni Mocha, partikular ang laban sa kanilang palabas.

Hindi nagustuhan ng aktor ang paggamit ni Mocha sa social media upang ilabas ang disgusto laban sa kanilang programa, gayong dapat daw ay idinaan ito sa tamang proseso ng dating sexy star na ngayo’y miyembro ng MTRCB.

Nagpupuyos sa galit ang aktor, “Mawalang galang na po, Mocha, kilala mo ako simula pa noong nagkatrabaho tayo sa TV5.

Hindi ko matanggap na sabihin mong basura ang pinaghirapan naming episode ng Ipaglaban Mo.

Kung mayroon kang reklamo ukol dito, dumaan tayo sa tamang proseso.

May due process sa mga reklamo sa MTRCB -- at bilang board member, mas maganda kung pag-uusapan ito nang maayos, hindi ‘yung nanlilibak at nagwawala ka na sa social media blog mo.

Mabuti pa ang MTRCB Chairman ninyo (Ms. Rachel Arenas) na may itinakdang pagpupulong tungkol dito (February 22) at hindi ‘yung nag-iingay ka na agad.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, ipinaalala ni Edgar Allan ang mga proyektong ginawa noon ni Mocha bilang isang artista.

“At sa huli’t huli, itataya ko ang munti kong pangalan sa industriyang ito na mas maayos naman ang episode namin sa Ipaglaban Mo kaysa sa mga pelikula mong Butas 2 (2012) at Seksing Masahista (2011).”

Mensahe pa ni Edgar Allan kay Mocha, “Please, konting respeto naman sa mga artistang Pilipino at, oo, respeto rin sa tamang proseso bilang concerned na mamamayang Pilipinong nasa poder ngayon.”

Nilagyan pa niya ito ng mga hashtag na #Respeto #HindiBasuraAngGinawaKo #UmayosKaMocha.