ITATAYA ng magkapatid na apo ni boxing legend Gabriel “Flash” Elorde ang kanilang WBO regional crowns at world rankings laban sa mga dayuhang challenger sa “Boxing Kontra Droga” sa Pebrero 25 sa Elorde Sports Center sa Paranaque City.

Idedepensa ng nakababatang si WBO No. 3 super bantamweight Juan Miguel “Migs” Elorde ang kanyang WBO Asia Pacific junior featherweight title laban kay dating Indonesian champion Erick Deztroyer.

May rekord si Migz na 22-1-0 tampok ang 11 knockout samantalang si Deztroyer ay may kartadang 8-4-1, tampok ang limang knockout.

Ipagtatanggol naman si WBO No. 8 lightweight contender Martin”Bai” Elorde ang kanyang WBO Oriental lightweight crown laban kay dating IBF Pan Pacific featherweight champion Aekkawee Kaewmanee ng Thailand.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

May rekord si Martin na 21-1-0, kabilang ang walong knockout, samantalang si Kaewmanee ay may kartadang 16-7-0.

Sa main event ng laban, itataya ni Philippine featherweight titlist Randy Braga ang kanyang korona kay No. 10 contender Kandy Cris Leon. (Gilbert Espeña)