Tinawag ni Senator Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na “murderer and sociopathic serial killer”, makaraang kumpirmahin ng isang retiradong Davao City Police ang Davao Death Squad (DDS) na matagal nang iniuugnay sa Pangulo.
Kaugnay nito, nanawagan din si De Lima sa mga cabinet member na gumawa na ng mga hakbangin at ideklara ang Pangulo na hindi karapat-dapat na mamuno sa bansa.
“To the members of the cabinet, you can save our country from a criminal President through declaring that because of his criminal mind, he has no capacity to perform the duties of a President,” ani De Lima.
‘JOKING LIKE JOKER’
Samantala, natawa lamang si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa naging pahayag ng senadora tungkol sa Pangulo.
“She must be joking like Joker!” pahayag ni Aguirre. “Totally baseless! Bereft of any factual basis.”
Ipinagdiinan ni Aguirre na ang paggamit ng DC Comics characters sa pahayag ni De Lima “places in doubt the veracity of her statements.” (Leonel Abasola at Jeffrey Damicog)