UNITED NATIONS, United States (AFP) – Halos 1.4 milyong bata na dumaranas ng matinding malnutrition ang maaaring mamatay ngayong taon dahil sa gutom sa Nigeria, Somalia, South Sudan at Yemen, sinabi ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) nitong Lunes.

Sa Yemen, 462,000 bata ang nagdurusa sa acute malnutrition dahil sa digmaan, habang 450,000 bata ang severely malnourished sa hilagang silangan ng Nigeria, ayon sa Fews Net, ang famine early warning system.

Ang tagtuyot sa Somalia ay nagdulot ng pagkagutom ng 185,000 bata at inaasahang aakyat pa ang bilang na ito sa 270,000. Sa South Sudan, mahigit 270,000 bata ang malnourished at kadedeklara lamang ng taggutom sa Unity State sa hilaga ng bansa, kung saan 20,000 bata ang naninirahan.

Umapela si UNICEF director Anthony Lake ng mabilis na pagkilos. ‘’We can still save many lives,’’ aniya.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na