SARAH AT MATTEO copy

AYON sa aming spy na malapit kay Matteo Guidicelli, na mukhang lalo pang lumalabo na matanggap ng mga magulang ni Sarah Geronimo ang actor.

Ito raw ang pinoproblema nang husto ngayon ni Matteo na muntik-muntikan na nga raw sanang sumuko.

Ang isyung ito raw ang madalas na nagiging dahilan ng tampuhan nina Matteo at Sarah. Lahat naman daw kasi ng puwedeng gawin ni Matteo para mapalapit sa mga magulang ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin ay ginawa na ng actor, pero dedma pa rin sa kanya ang dalawa.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Halata namang kahit anong gawin ni Matteo, eh, hindi pa rin siya matanggap ng magulang ni Sarah. Biro n’yo, nasa tamang edad naman ang anak nila, di ba? Kumbaga, 28 years old na si Sarah, tama ba namang hindi pa rin nila matanggap na may boyfriend na ang anak nila?” himutok ng kausap namin.

Kabaligtaran daw ng pakikitungo ng mga magulang ni Sarah sa binata ang pag-aasikaso naman mga magulang ng actor sa dalaga.

“Welcome na welcome si Sarah sa pamilya ni Matteo. Sobrang umaasa nga ang mga ito na sana magkatuluyan na ang dalawa,” sey pa ng aming source.

Nakausap din namin ang dating kaibigan ni Sarah na halos kasabay niyang nagsimula sa showbiz, at pinatunayan niya sa amin ang sobrang kahigpitan ng mga magulang ng singer.

“Sa totoo lang, eh, ayaw yata nilang magkaroon ng karelasyon si Sarah. Pero may magagawa pa ba sila, eh, halata namang sobrang in love rin talaga si Sarah kay Matteo,” sey ng dating friend ni Sarah na nasa showbiz pa rin naman.

Samantala, si Matteo ang leading man ni Kim Chiu sa My Ghost Bride movie na idinidirihe ni Chito Roño at si Sarah naman ay magsisimula nang mag-shooting ng pelikulang Dear Future Husband na balik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz.

(JIMI ESCALA)