MARK AT WYNWYN copy copy

SINAGOT ni Mark Herras ang blind item sa isang blog na kaya sila magpakakasal na ng girlfriend niyang si Wynwyn Marquez dahil buntis na ito.

May mga nag-akala kasi na nag-propose na si Mark kay Wynwyn dahil sa photos na ipinost nila sa social media na naghalikan sila na parang nag-propose si Mark.

Inakala rin na kaya nag-propose si Mark dahil buntis si Wynwyn. Obviously, nakarating ‘yun kay Mark, kaya sinagot ang blind item.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“FYI... nag-celebrate kame ng Valentine’s Day sa Japan:) nag-enjoy kaya nga #thebestvacationeveeeeeer!!! Anebe! At eto kaming dalawa, nagdadasal dahil iisa lang naman ang Diyos nating lahat... nagdadasal kami para sa mas maraming bagay... work, health, family, love, friends, paghingi ng sorry sa mga kasalanan... we are not yet engaged dahil syempre I will ask permission sa mga magulang ni Wyn... Dahil ‘yun ang tama at dapat ko siyang buhayin:) di ba?

“FYI, she’s not pregnant. ‘Wag kasi masyado assuming ang mga tao... I’m sorry dahil sa mga ipinost ko at captions, etc. etc... Mahal ko ‘yung tao at ipagsisigawan ko sa buong mundo ‘yun... She’s not ready, she has a lot of plans pa sa buhay at gusto kung matupad niya lahat ‘yun... So thank you sa mga good comments & thank you din sa mga bad comments...:).”

Samantala, kasama si Mark sa Destined To Be Yours bilang boyfriend ni Maine Mendoza noong high school sila. Special role lang yata ito, kaya wala si Mark sa presscon o baka that time, nasa Japan na sila ni Wynwyn.

Si Wynwyn naman, pagkatapos ng special role sa Encantadia bilang si Helgad na kumupkop kay Luna (Inah de Belen), mapapanood sa Mulawin vs. Ravena. Hindi pa ipinaaalam ng GMA-7 ang eksaktong role ni Wynwyn sa pagbabalik ng fantaserye. (NITZ MIRALLES)