Eugene copy copy

MASAYANG-MASAYA si Eugene Domingo na isi-celebrate ng Dear Uge ang first anniversary, equivalent to five seasons, sa February 26.

Hindi ini-expect ni Eugene na magugustuhan at mamahalin ito ng viewers at tatagal ng isang taon ang comedy anthology show na hino-host niya.

“Congrats sa ating lahat dahil one year na ang Dear Uge. Congrats most especially sa creative team ng show dahil original concept ito. Salamat din sa GMA-7 dahil pinagkatiwalaan nila ako ng show na original ang concept. Hindi mo alam kung tatanggapin ng viewers, pero tinanggap, kaya masaya ang lahat,” sabi ni Eugene.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Bukod sa original concept, nagustuhan din ni Eugene na kasama sa title ng show ang kanyang pangalan. Ang feeling niya, nakahilera siya kina Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Alma Moreno, Martin Nievera at Rep. Vilma Santos na nagkaroon ng show na sunod sa kanilang pangalan ang title.

Para sa anniversary episode, guests sa Dear Uge ang mag-best friend na sina Marian Rivera at Boobay. Role ng isang mayaman ang gagampanan ni Boobay at PA niya si Marian at gaya sa mga naunang episode, may cameo rin si Eugene na hindi sinabi kung ano. Panoorin na lang daw sa Feb. 26, after Sunday Pinasaya.

Samantala, darating sa April sa Pilipinas ang Italian boyfriend ni Eugene na si Danilo Bottoni, isang film critic na nakilala niya sa 2014 Far East Film Festival sa Udine, Italy. In-screen sa nasabing filmfest ang pelikula niyang Barber’s Tales, nilapitan siya nito at nagpakilala hanggang sa maging magkaibigan sila at ngayon ay boyfriend na niya.

Parang nabingi lang si Eugene nang tanungin kung may plano silang magpakasal. Ini-enjoy lang muna raw nila ang kanilang time together na ang sabi niya, “my greatest gift ever” at “my forever.” (NITZ MIRALLES)