Alfredd at Diana copy

MASAYANG nagkuwento sina Quezon City District V Rep. Alfred Vargas at Diana Zubiri sa set ng Encantadia tungkol sa pagganap nila bilang sina Amarro at Lila Sari.

“Hindi namin inisip ni Alfred na babalik muli kami bilang magka-love team dito sa telefantasya,” sabi ni Diana.

“Nagkasama kami ni Alfred sa unang Encantadia noong 2005, at hindi ko in-expect na nand’yan pa rin pala ang mga fans namin na sumubaybay sa amin noon.”

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Nagugulat naman ako kapag may pinupuntahan akong lugar sa Quezon City na ang itinatanong nila sa akin si Diana.

Hindi ko alam na buhay pa sa kanila ang tambalan nina Danaya at Aquil sa unang Encantadia. Ngayong Amarro at Lila Sari na kami, natutuwa raw sila na muli kaming nagkasama ni Diana. Si Diana naman kasi, parang hindi nagbabago, maganda pa rin at sexy tulad noon.”

Marami talaga ang natuwa nang mapabalitang muling magkakasama sina Diana at Alfred sa telefantasya. Pero na-disappoint ang fans nang hindi sila pagtambalin this time, dahil si Amarro ay mula sa daigdig na mga patay na binuhay ng bathalumang si Ether. Si Lila Sari naman ang unang naging asawa ay si Hagorn (John Arcilla) at kalaunan ay si Hitano (Pancho Magno) na ang naging asawa.

Pero sa ikaapat na aklat ng Encantadia, nabago ang istorya, hindi pa rin ibinalik si Amarro sa daigdig ng mga patay at si Lila Sari naman ay napunta kay Bathaluman Ether pero hindi alam kung magiging mabait pa rin ang character.

Tiyak na magkakaroon ng dramatic moments kapag nagkita na si Lila Sari at ang nawawala niyang anak na si Deshna/Luna (Inah de Belen).

Inaabangan naman kung tutulungan pa rin ni Amarro ang anak na si Aquil (Rocco Nacino) na mailigtas ang kaharian ng Lireo mula sa mga masasamang bathaluman.

“Kaya sana, nand’yan pa rin ang mga sumusubaybay sa amin hanggang sa pagtatapos ng Encantadia, at maraming salamat sa inyong lahat,” sabi ni Alfred.

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7. (Nora Calderon)