marian-angel-021617 copy

SA papasok na linggo lalabas ang Mega magazine na cover sina Angel Locsin at Marian Rivera (o Marian Rivera at Angel Locsin, depende ang ‘billing’ kung kanino kayo mas humahanga).

Hinuhulaan nang magso-sold out ang magazine na magsi-celebrate ng 25th anniversary. First pictorial at cover ito ni Angel with her short hair na alam na natin kung ano ang nangyari.

“Thank you, Mega. My first short hair cover. Ladies, I know we all love our gorgeous long hair. I miss mine. But s**t happens and life goes on. And this is how you bounce back after a baaaad hair job. You do a cover and work it, girl.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Big thanks to Ms.@celestetuviera for the boost of confidence to rock my new #pixiefierece hair #TougherThanYouThink.”

May post din si Angel na, “There’s always a first time! Happy to be with Yan (Marian) to celebrate Mega’s 25th Anniversary!”

Kabilang sina Ruffa Gutierrez at Kathryn Bernardo sa nag-like ng picture ni Angel at picture na magkasama sila ni Marian.

Samantala, nakukuwento ng buo ni Angel sa mga kaibigan ang nangyari sa kanyang buhok, pero nakiusap yatang i-off the record kaya walang lumalabas. Ibig sabihin, hindi itsinitsika ng kanyang pinagsabihan ang ang nangyari sa kanyang buhok.

Dahil sa magkasamang cover nina Angel at Marian, marami ang nagre-request na magsama sana sila sa pelikula.

Malabong magkasama sa teleserye o anumang TV project sina Marian at Angel dahil magkaiba sila ng network, kaya umaasa ang fans ng dalawang aktres na sa pelikula matutupad ang kahilingan nila. (NITZ MIRALLES)