Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- FEU vs UE (m)

10 n.u. -- Adamson vs Ateneo (m)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- FEU vs UE (w)

4 n.h. -- Adamson vs Ateneo (w)

MAKAAGAPAY sa liderato ang puntirya ng Ateneo de Manila sa kanilang pagsalang kontra sa bokyang Adamson sa tampok na laro ngayon sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Kasalo ang defending champion De La Salle sa No.2 spot tangan ang 2-1 karta, liyamado ang Lady Eagles na masungkit ang ikatlong panalo at patatagin ang kampanya sa likod nang nangungunang National University at University of the Philippines na kapwa may 3-0 marka.

Nakatakda ang duwelo ganap na 4:00 ng hapon kasunod ng upakan sa pagitan ng Far Eastern University at University of the East sa 2:00 ng hapon.

Muli, sasandigan ni Thai coach Anusorn Bundit sa Lady Eagles sina Jhoanna Maraguinot, Michelle Morente, Kim Gequillana, Maddie Madayag, Kat Tolentino at skipper Jia Morado.

Mauuna rito, hangad ng defending men’s champion Blue Eagles ang ikaapat na sunod na panalo sa pagharap nila sa bokya ring Falcons ganap na 10:00 ng umaga.

Kakalas naman ang Tamaraws mula sa four-way tie sa ikalawang posisyon hawak ang kartadang 2-1, kasalo ng UP, NU at UST sa pagtutuos nila ng winless ding Red Warriors. (Marivic Awitan)