MONCADA, Tarlac - Nabulabog ang mga naglalamay matapos na ilang beses na magpaputok ng baril ang isang lasing sa Camposanto 1 Sur, Moncada, Tarlac, madaling araw nitong Miyerkules.

Nahaharap sa illegal discharge of firearm, illegal possession of firearms at grave threat si Roben Bejuco, ng Barangay Lipay, Villasis, Pangasinan, na pansamantalang nakadetine ngayon sa pulisya.

Napag-alaman sa imbestigasyon ni PO3 Jayson Zalun na isinumbong ni Aiby Ramos, 30, sa pulisya na tinutukan siya ng baril ng suspek at maraming beses itong nagpaputok ng baril makaraang malasing sa pakikipag-inuman habang naglalamay sa compound ng bahay ng pamilya Obillo. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog