Sarah John Lloyd copy

SINIMULAN na ni Carmi Raymundo ang pagsusulat ng script ng reunion movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na Dear Future Husband. Ipinost niya ang ginagawang sequence treatment, kaya nalaman ng followers nina John Lloyd at Sarah na third sequence na ang kanyang natatapos.

Nakakatuwa na kahit sequence treatment pa lang, big hit na agad dahil marami ang nag-like sa post ni Carmi.

Excited kasi ang fans nila na matagal nang naghihintay sa muling pagtatambal ng box office tandem na ngayong taon pa lang matutuloy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kahit sa social media, nagsisigawan ang fans ng dalawa at nakaabang din sila sa announcement ng simula ng shooting at kung kailan ang playdate.

Nabanggit na ng Star Cinema na this year ipalalabas ang Dear Future Husband na ididirek ni Theodore “Ted” Boborol, director ng Vince & Kath & James. (NITZ MIRALLES)