BIMBY KRIS AT JOSHUA copy

NAKIRAMAY si Kris Aquino sa pamilya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pagkamatay ng patriarch nitong si dating Quezon City Councilor Herminio “Butch” Bautista noong Lunes. Nakaburol ang mga labi ng ama nina Mayor Herbert, Harlene at Hero Bautista sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sa nag-viral na photo, kasama ni Kris na pumunta sa burol ang kanyang kapatid na si Ballsy Aquino-Cruz at si Bimby.

Anyway, natuloy din ang paglipad nina Kris, Bimby at Josh patungong Hong Kong kahapon para doon i-celebrate ni Kris ang kanyang 46th birthday.

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Matatandaang kinansela ni Kris kanilang earlier flight dahil sa MTR incident sa Hong Kong, pero ayaw niyang ma-disappoint ang mga anak. Kaya kahapon, lumipad sila pa-HK.

“I couldn’t let my 2 boys down, so we’ll take the pre-sunrise flight on Tuesday. I want to make them happy on my birthday...,” post ni Kris.

Kinahapunan, sa magkasunod na posts sa kuha sa kanila sa Hong Kong Disneyland, ang captions ni Kris: “Happy Birthday in their happiest place on earth. ❤”at “Mission accomplished ❤”. (Nitz Miralles)