DANIEL AT KATHRYN copy

BUMILIB kami kay Daniel Padilla sa 25th Star Magic thanksgiving presscon nitong nakaraang Linggo nang makita namin na pasimple niyang sinenyasan ang bodyguard niya nang pagkaguluhan sila ni Kathryn Bernardo ng entertainment press para magpa-picture at interbyuhin.

Haharangin sana ng bodyguard ang nagkakagulong media people pero kumumpas ang kanang kamay ni DJ kaya bahagyang lumayo.

Natuwa kami na binibigyan pa rin ni Daniel ng halaga ang entertainment press, isang bagay na hindi niya binabago simula nang makilala namin siya six years ago o noong baguhan pa lang siya. Kapag may press people na lumalapit, talagang ini-entertain niya.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Hindi na namin babanggitin kung sino ang ibang artista na may kasa-kasama ring bodyguard na kapag pinagkakaguluhan na ng press ay nahuhuli naming may eye-to-eye contact kaagad para harangin ang reporters at ilayo sila.

Samantala, paanong hindi mahuhulog nang husto ang loob ni Kathryn sa binatang ito, kahit maraming tao ay panay ang lambing at halik sa tenga niya at sobrang higpit ng hawakan nila ng kamay na kitang-kita namin dahil nasa likod kami habang nakaumang ang recorder namin.

Napapangiti naman si Kath sa paglalambing ni DJ, kaya tinanong kung hindi ba siya naasiwa o nahihiya sa ginagawa ng aktor sa harap ng maraming tao.

“Siyempre nakakatuwa ‘yun, hindi ka itinatago, very vocal at malaking bagay ‘yun para sa akin,” masayang sagot ng dalaga

“Hindi na nga siya sanay na hindi ko inaalalayan, eh, ha-ha-ha,” hirit naman ni Daniel. “Na-spoil ko masyado.”

Tinanong din ang dalaga tungkol sa pagsusuot niya ng sexy attire sa Boracay kamakailan.

“Off-screen lang iyon, for vacation lang. Pero ‘pag on-screen, depende po iyon kay Mr. M (Johnny Manahan).”

Handa na ba silang magpakita ng skin o maturity sa next projects nila?

“Hindi pa ako ready para kay Kathryn na gawin ‘yung mga ‘yun,” mabilis na sagot ni Daniel. “Pero darating naman ‘yun, normally and naturally dadating ka sa point na gagawin mo na rin, ganu’n naman talaga, pangit kung pipilitin mo.”

‘Yun lang, kapag nagpa-sexy si Kathryn o magsusuot ng two-piece ay kailangan may approval ni Daniel.

“Dapat niyang ipagpaalam dahil pag-aawayan pa namin. Siyempre pinangangalagaan ko rin naman siya, hindi naman sa masyado akong over-protective. Siyempre iniisip din naman natin ‘yung iisipin ng tao, fans, supporters, kasi marami tayong batang supporters, ayaw natin silang mabigla, gusto natin nakakasabay pa rin sila sa atin,” paliwanag ng aktor.

Limang taon na ang magandang relasyon nina Daniel at Kathryn kaya kampante na silang sumagot tungkol sa status nila.

Bakit nga ba nabago na at hindi na katulad noon na tila itinatago pa nila?

“Nakakasawa na kasi ‘yung mga pasadung-pasadong sagot, eh. Obvious na kung anuman ‘yun, hindi na kailangang tanungin pa.”

Sinu-shoot ngayon nina Daniel at Kath ang pelikulang Can’t Help Falling In Love sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar under Star Cinema. (REGGEE BONOAN)