Alden Maine copy

BIG day ngayon para kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Punumpuno ng pag-ibig ang Valentine’s Day presentation ng Eat Bulaga ngayong araw, na tumayming na walang taping ng Destined To Be Yours sina Alden at Maine.

May sorpresa ang long-running noontime show sa fans ng phenomenal love team at ilang araw nang ipinakikita ang teaser na may isinusulat si Alden na: “Sa isang pagkakataon ang mundo ay maaaring mag-iba... Mas makulay, mas masaya...

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Dahil nandiyan ka... Ang imposible nagkakatotoo pala, dumarating kapag itinakda... Hihintayin kita.”

May teaser din si Maine na naglalakad sa kalye, at may voice over na marami raw siyang napupuntahang lugar, pero alam niyang isang araw ay “darating ka.”

Ilang araw nang nagpapakita ang Eat Bulaga sa bawat barangay na puntahan nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros bilang mga kapitan at tanod ng barangay, at kung walang taping, kasama nila sina Alden at Maine sa segment na “Kap’s Amazing True Love Stories” mula sa mga mag-asawang may naiibang love stories na nari-research nila sa barangay. Gumagawa sila ng album na featured ang mga mag-asawa na pino-photo shoot ni Paolo, at mula sa show, mayroong flowers na tinatanggap ang mga misis at mayroon ding cash na pang-date.

Pinaghandaan nang husto ang Valentine’s Day presentation para maging special ang experience ng televiewers, lalo na ng AlDub Nation fans nina Alden at Maine.

Pero hindi pa matatapos sa Eat Bulaga ang kaligayahan ng ADNs dahil kinagabihan sa 24 Oras news program, mapapanood naman sa unang pagkakataon ang full trailer ng Destined To Be Yours, at siyempre masayang-masaya ang ADNs dahil magkasama pagkatapos sina Alden at Maine sa grand presscon ng kanilang teleserye. (Nora Calderon)