GAPAN CITY, Nueva Ecija - Aabot sa P1 milyon halaga ng pera, cell phone at electronic gadgets ang tinangay ng mga hindi nakilalang kawatan makaraang looban ang isang drugstore sa Gapan City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office Director Senior Supt. Antonio C. Yarra, mag-uumaga nitong Pebrero 8 nang pasukin ang STM Drug Mart ni Gloria Mercado, 56, taga-Barangay San Roque, Cabiao, sa Bgy. Sto. Niño sa Gapan.

Kaagad umanong nilimas ng mga suspek ang mga cell phone at gadgets sa tindahan bago binuksan ang vault at tinangay ang P800,000 cash at P200,000 halaga ng gadgets. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog