HIGIT na mas masalimuot ang sitwasyon sa susunod laban ni eight-division world titlist Manny Pacquiao matapos siyang magtanong sa boxing fans sa buong mundo sa kanyang Twitter account kung sino ang gusto nilang makalaban niya sa susunod na laban.

Isang araw matapos ihayag ng adviser ni Pacquiao na si Canadian Michael Koncz na magaganap ang laban niya sa Abril sa United Arab Emirates, pinapili ng Pinoy boxer ang boxing fans kung sino ang gusto ng mga ito na makalaban ng WBO welterweight titlist.

Nakalista sina WBO No. 2 welterweight contender Jeff Horn ng Australia, dating world champion Amir Khan ng Great Britain, mga Amerikanong sina WBC at WBO at WBC light welterweight titlist Terence Crawford at IBF welterweight champion Kell Brook.

Lumalabas tuloy na totoo ang ulat na tutol si Pacquiao na harapin ang hindi kilalang si Horn kahit nakipagnegosyasyon na si Top Rank big boss Bob Arum sa promoter ng walang talong Aussie boxer na Duco Events.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Inaasahang pipiliin ng boxing fans si Khan na bagama’t lumaki sa England ay may lahing Pakistani kaya sikat na sikat sa buong Middle East kaya tiyak na papatok ang sagupaan kung gagawin sa Dubai na malaki ang populasyong Pilipino.

(Gilbert Espeña)