Janine Gutierrez_Rodjun Cruz_Lauren Young (4) (1) copy

SIGURADONG natuwa si Pia Magalona, manager ni Lauren Young, dahil ipinagtanggol siya ng aktres sa nagpakilalang fan ng huli na nanawagan kay Pia na i-release si Lauren sa managerial contract sa kanya.

Sabi ng fan, hindi nakakatulong si Pia kay Lauren at siya ang dahilan kung bakit matagal hindi nasundan ang show ng dalaga sa GMA-7 dahil inilipat niya sina Maxene at Elmo Magalona sa ABS-CBN.

Sagot ni Lauren: “Hello! I’m actually very happy with Tita Pia as my manager. She has done wonders for my carer and my well being. Just because one doesn’t appear on TV every single day doesn’t mean we don’t have other projects.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Managing someone isn’t just about career choices but about guiding them through their personal lives as well to make sure that we are capable of doing our work so that we can deliver to our audience and she has done that for me. Maybe before you jump to conclusions you should look at it as a whole, not from one side only.”

In fairness, hindi nagalit si Lauren sa pakikialam ng kanyang fan. Ipinaliwanag niya rito ang side niya and in the end, nag-wish pa ng, “Have a great day!!!.”

Anyway, babawi si Lauren sa matagal na hindi paglabas sa telebisyon dahil sa trailer pa lang ng Legally Blind, nagpakita na agad siya ng kahusayan. Ginagampanan niya ang role ni Charie Evangelista, sister ni Janine Gutierrez bilang si Grace na malaki ang inggit sa kanya.

Parehong ex ni Elmo Magalona si Lauren at si Janine kaya tinanong siya ng press people kung paano sila sa trabaho?

“Wala akong galit kay Janine. Janine broke the ice and I appreciate it at hindi ko ini-expect. Nag-move on na kami and for us to work together. May sampalan scene pa naman kami. This is the closest we’ve been in two years,” sabi ni Lauren.

Hindi iiwasan ni Lauren ang eksenang sampalan nila ni Janine. Ang hindi niya kayang gawin ay kung magkakaroon ng kissing scene sila ni Mikael Daez na boyfriend ng sister niyang si Megan Young.

“Ewww! Hindi ko gagawin ‘yun especially if it will ruin a relationship,” sagot ni Lauren.

Ang nakahalikan ni Lauren sa Legally Blind ay si Rodjun Cruz at baka magkaroon din siya ng kissing scene kay Marc Abaya. Para malaman, tutukan ang legal drama serye na magpa-pilot sa February 20, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa direction ni Ricky Davao.