Ni JIMI ESCALA

Anjo at Sheryl
Anjo at Sheryl
TOTOO kaya ang ibinalita ng source namin na ‘sina’ Anjo Yllana at Sheryl Cruz na raw ngayon? Madalas daw kasi nilang nakikita na magkasama ang dalawa.

Ayon sa aming source, madalas dumalaw si Anjo sa bahay ni Sheryl at madalas din daw isama ni Anjo ang aktres sa opisina niya sa Quezon City Hall. 

Dagdag pa ng source, magiliw sa mga tao si Sheryl na isinasama ni Anjo maging sa session hall. Matiyaga naman daw na naghihintay si Sheryl hanggang sa matapos ang session.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Agad naming tinawagan si Sheryl at kung ilang text message din ang aming naipadala pero wala kaming natanggap na kasagutan ng aktres.

Nang huli naming siyang nakausap, nabanggit niya na hindi naman daw magiging lonely sa kanyang Valentine’s Day. 

“I have not yet decided kung sino ang sasamahan ko for the Valentine’s Day,” sey pa ni She. 

Well, kung happy sa piling ni Macky Mathay ang pinsan niyang si Sunshine Cruz, hindi rin talaga patatalo si Sheryl, huh!

Samantala, may naulinigan kaming usap-usapan ng mga taga-Quezon City Hall na may balak din daw si Sheryl na tumakbo para konsehal sa darating na eleksiyon.

Gusto ka naming mainterbyu para maklaro ang dumaraming isyu sa iyo, Ms. She!