KL Show Feb 2017-8KUALA LUMPUR, Malaysia – Kaagad na hinamon ni EV Ting si Pinoy champion Eduard ‘The Landslide’ Folayang matapos mapasuko si Kamal Shalorous sa kanilang lightweight bout main event ng ONE hampionship: Throne of Tigers nitong Biyernes dito.

Ginamit ni Ting ang lakas sa striking para pasukuin ang beteranong si Shalorous, nagbalik aksiyon mula sa dalawang taong pahinga.

“Eduard Folayang, I am coming to your home to take your belt. See you on April 21st,” pahayag ni Ting, patungkol sa nakatakda nilang paghaharap sa Manila event.

Itataya ni Folayang ang kampeonato sa Manila event.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Kapwa naman nabigo sina Pinoy fighter Burn Soriano at Roy Doliguez.

Nagtamo ng TKO si Soriano kontra Saiful Merican, habang nadomina si Doliguez ni Alex Silva.