Alden at Maine copy copy

MATATAPOS na ang paghihintay ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil ipapalabas na ng GMA Network ang full trailer ng Destined To Be Yours sa mismong Araw ng mga Puso. Mapapanood ito sa 24Oras.

Ano ang masasabi nina Alden at Maine para sa kanilang mga fans?

“What a way to start po the love month,” sagot ni Alden. “First soap po namin ito ni Maine kaya marami silang aabangan. Ito na ang sagot namin sa mga fans, especially sa AlDub Nation na una pa lang yata kami nagkakilala nang personal ni Maine, soap na agad ang hinihingi nila sa amin. Kaya heto na, para sa inyong lahat ito.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

May kaba pero excited naman si Maine.

“Nai-excite po ako siyempre,” sabi ng dalaga. “Kinakabahan din po ako kasi may expectations ang mga fans at medyo nakaka-pressure lang din bilang first ko po ito. Sana maibigay ko sa kanila anuman ang gusto nila.”

Kaya balewala sa kanila kahit halos araw-araw sila nagti-taping kung saan-saang lugar, sinisiguro nila na magugustuhan uli ng supporters nila ang Destined To Be Yours.

Sa direksyon ni Irene Villamor, pilot telecast ng Destined To Be Yours ay sa February 27 sa GMA 7. (NORA CALDERON)