MAHILIG sa flowers si Marian Rivera. Noon pa, madalas na siyang mag-drawing o mag-paint ng bulaklak, either one flower or several flowers in a flower vase. At ipino-post niya ang mga iyon sa kanyang Instagram account.
May time din na part ng kanyang OOTD (outfit of the day) ang isang bulaklak na naka-pin sa may dibdib niya. Siyempre pa, may mga fans siya na gumagaya.
Ngayon, hindi na siya magpi-paint o magdodrowing lang ng flowers, nagtayo na siya ng sariling flower shop, ang Flora Vida Perennial Blooms by Marian. Isa pala kasi ito sa nasa bucket list niya, na ngayon siyempre ay may check na.
Sa post niya ng logo ng flower shop, “soon” lang ang nakalagay, wala pang date kung kailan ito magiging operational.
Sumunod na post ni Marian, aniya, “Everybody loves flowers! -- Definitely.”
Umani ng maraming pagbati si Marian, mula sa kanyang fans here and abroad, kasama na ang paborito niyang Portuguese fashion designer na si Joao Rolo. Hindi kami magtataka kung mag-open ang Flora Vida bago sumapit ang Valentine’s Day.
Kahit magsisimula na ang bago niyang teleserye, at busy rin sa marami niyang TVC shoots, nagawa pa rin niyang pasimulan ang dream business niya at magpatawa sa Sunday Pinasaya.
When asked kung magsi-celebrate sila ng asawang si Dingdong Dantes ng Valentine’s Day, wala pa raw silang plano, pero alam niyang hindi ito papayag na wala silang celebration, tiyak daw na sosorpresahin na naman siya nito lalo pa ngayon na dalawa na silang idi-date ng hubby niya, siya at ang anak nilang si Maria Letizia. (NORA CALDERON)