Bianca copy

SIXTEEN going seventeen pa lamang si Bianca Umali sa March 2, pero matangkad at lalong gumaganda na parang pang-beauty queen ang dating. 

Kaya sa presscon ng bago niyang show na Full House Tonight hosted by Regine Velasquez-Alcasid, natanong siya kung may balak ba siyang mag-join ng beauty contest?

“Wala po, wala po sa isip kong sumali sa isang beauty contest,” nakangiting sagot ni Bianca. “Hindi po pumasok iyon sa isip ko lalo na at bata pa po ako. Mas gusto ko pa ring tapusin ang studies ko at ituloy ang showbiz career.”

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Bata pa at ayaw pang magkaroon ng love life, pero inurirat pa rin si Bianca kung totoong niligawan siya ni Jak Roberto.

“Naku, hindi po, good friends lang po kami dahil nagkasama-sama kami ng iba pang Kapuso stars sa ilang workshops na ibinigay sa amin ng GMA Network. Lahat kami naging magkakaibigan, at madalas after ng workshop, lumalabas kami to eat or mamasyal.”

E, ang ka-love team niyang si Miguel Tanfelix, nanliligaw na ba?

“Hindi po at ayaw ko pa pong magpaligaw. Basta work po muna kami at masaya kami ni Miguel dahil may bago kaming show, itong Full House Tonight. Medyo mahirap po sa amin ito ni Miguel, naiiba dahil musical-comedy, ang huhusay ng mga kasama naming mga comedians, kaya ibang level naman sa amin ito dahil madalas na drama serye ang ginagawa namin. Marami kaming natututunan sa kanila tuwing nagti-taping kami, at ang saya-saya lagi sa set.

“At very soon, magsisimula na rin kaming mag-taping ng epic serye na Mulawin vs. Ravena. Excited na po kami ni Miguel, pero mas lalo ako, dahil matagal ko nang pinangarap na makagawa ako ng serye na lumilipad ako dahil gusto kong ma-experience iyon. Si Miguel po kasi noong child actor pa lamang siya, ginawa na niya ang Mulawin at siya si Pagaspas, na sabi po ay iyon din ang magiging role niya, at ako naman si Lawiswis. Magiging busy po lalo kami.”

Ang Full House Tonight ay mapapanood tuwing Sabado ng gabi, simula sa February 18, pagkatapos ng Magpakailanman, sa direksyon ni Louie Ignacio. (Nora Calderon)