GERONA, Tarlac – Dalawang pumalag sa mga opisyal ng barangay ang nadakip sa magkahiwalay na barangay sa Gerona, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.

Nanggugulo sa Sitio Mauplas sa Barangay Pinasling si Ruben Balagso, 49, nang pumalag siya sa pagsasaway sa kanya ni Pepito Arciaga, chairman sa lugar.

Nag-eeskandalo naman si Crisanto Castillo, 27, sa Bgy. Buenlag ngunit nang rumesponde si Jonathan Acob, 43, kagawad, ay inatake at itinulak umano niya ito.

Nahaharap sina Balagso at Castillo sa kasong direct assault upon person in authority. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog