Halos maghingalo ang isang driver matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang kabiruan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Police Chief Inspector Rhoderick Juan, head ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), ligtas na at patuloy na nagpapagaling si Maximo Cayubit, 34, ng Baylon Compound, Doña Marciana, Barangay Ugong ng nasabing lungsod, sanhi ng malalim na saksak sa balikat at kanang kamay.

Nahaharap naman sa mga kasong attempted homicide at Batas Pambansa Blg. 6 (possession of deadly weapon) ang suspek na si Rodrigo Vidal, 51, kapitbahay ng biktima.

Sa report ni SPO2 Ronaldo Ruiz, bandang 10:00 ng umaga, nagtanong si Vidal kay Cayubit kung ano ang dapat sakyan papunta sa gawaan ng aluminum.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pabirong sinabi ng biktima na helicopter ang sakyan nito na bagay ikinainis ng suspek at mabilis na umalis.

Bandang 2:00 ng hapon ng araw ding iyon, abala sa pamamasada ng tricycle si Cayubit at walang kamalay-malay na inaabangan na pala siya ni Vidal hanggang sa tuluyan siyang pagsasaksakin. (Orly L. Barcala)