SUNNY AT EJAY copy

BIBIGYANG-BUHAY ni Ejay Falcon at MYX VJ na si Sunny Kim ang kuwento ng pagmamahalan ng isang Pinoy at isang Koreana na susubukin ng matinding paghamon sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.

Sa high school ay pansariling kapakanan lamang ang iniisip ng happy-go-lucky na si Tim (Ejay) at pag-aaral at pagtulong naman sa kapwa ang prayoridad ng Koreanang si Jung Won (Sunny) na-assign sa isang NGO sa Pilipinas.

 

Trending

Virtual Assistant mula Davao, nawindang matapos sumulpot si ‘Zac Efron’ sa call

Nagbago ang pananaw sa buhay ni Tim nang nakilala at umibig siya kay Jung Won. Kahit alam ni Tim ang tunay na sadya ni Jung Won sa bansa, ginawa pa rin niya ang lahat para mapamahal sa banyagang dalaga. Nagbunga naman ang kanyang mga paghihirap dahil nahulog din ang loob ni Jung Won sa kanya.

 

Naging maayos ang kanilang pagsasama hanggang sa magdesisyon si Jung Won na ipagpatuloy ang pag-aaral sa South Korea.

Ito na kaya pagtatapos ng pagmamahalan nila?

Makakasama nina Sunny at Ejay sa upcoming episode sina Isay Alvarez, Lito Pimentel, Lollie Mara, Tart Carlos, Kyline Alcantara, Kenzo Gutierrez, Kristine Hammond, at Yohan Hwang, mula sa panulat ni Mae Rose Balanay at sa direksiyon ni Theodore Boborol.