PINATAOB ng De La Salle-Zobel ang University of Santo Tomas, 72-65, para sa huling puwesto sa Final Four ng UAAP Season 79 juniors basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Hataw si Joaqui Mariano sa naiskor na 17 puntos at anim na rebound, habang kumana si Jan Sobrevega ng 14 puntos at apat na board para sa Junior Archers.

Makakaharap ng De La Salle-Zobel ang defending champion National University para sa rematch ng nakalipas na season Finals.

Bumalikwas naman mula sa 16 puntos na paghahabol ang Far Eastern University-Diliman para gapiin ang Ateneo, 64-62, at makamit ang No.2 seediong sa playoff.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Tangan ang wice-to-beat na bentahe sa Final Four, liyamado ang Bullpups at Baby Tamaraws kung saan kailangan lamang nila ang isang panalo para maisaayos ang championship match. (Marivic Awitan)