Sylvia Sanchez (4) copy

PATULOY na tinututukan ng mga manonood ang laban ni Gloria (Sylvia Sanchez) na mapanatiling buo ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang karamdaman sa The Greatest Love, kaya buong linggo itong namayagpag sa nationwide ratings kumpara sa katapat na programa.

Nanguna mula Enero 30 hanggang Pebrero 3 sa national TV ratings ang seryeng pinagbibidahan ni Sylvia sa naitalang weekly rating na 14.6%, laban sa bagong katapat nitong programa na Pinulot Ka Lang Sa Lupa na nagkamit naman ng 11.9%.

Bukod sa madamdaming mga eksena ng serye, tinututukan ng mga manonood ang The Greatest Love dahil sa pagpapakita nito ng matinding pagmamahal ng isang ina at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Alzheimer’s disease, maaaring tumama kanino man.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, kasabay ng unti-unting pagkawala ng alaala ni Gloria, hinarap din niya ang isa pang matinding trahedya sa pagkatupok sa apoy ng kanilang bahay na napanood kahapon.

Panoorin ang hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak sa The Greatest Love, tuwing hapon pagkatapos ng Doble Kara sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/thegreatestlovetv.