PINADAPA ng Café France ang Jose Rizal University, 75-57, para maibalik ang kumpiyansa sa kampanya sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nanguna si Rod Ebondo sa ratsada ng Bakers sa nakubrang 21 puntos at siyam na rebound, habang tumipa si Paul Desiderio ng 13 puntos.

Malamya ang simula ng Bakers, ngunit naginit sa third period kung saan naibaba nila ang 17-2 run para mapalobo ang bentahe sa 55-38 na hindi na binitiwan ng mga bataan ni coach Egay Macaraya.

“I tried to give chance sa mga rookies nung first half e. Good thing nag-step up yung mga veterans sa second half,” sambit ni Macaraya.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Bunsod ng panalo, ikatlo sa apat na laro, sumosyo ang Bakers sa Tanduay Rhum Masters sa ikalawang puwesto.

Kumana sina Jerard Bautista at Abdouladif Poutouochui ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Heavy Bombers na bumagsak sa 2-2 karta.

Iskor:

CAFE FRANCE 75 - Ebondo 21, Desiderio 13, Casino 7, Calisaan 6, Gabriel 5, Jeruta 5, Veron 5, Faundo 4, Arim 3, Manlangit 2, Wamar 2, Aquino 0, Guinitaran 0.

JRU 57 - Bautista 13, Poutouochi 12, Pontejos 11, Grospe 9, Teodoro 4, Bordon 3, Lasquety 2, Santos 2, Sawat 1, Estrella 0, Lopez 0, Mate 0.

Quarterscores:

16-19, 38-36, 55-45, 75-57. (Marivic Awitan)