Lady Gaga at Christian copy

MAY bagong nagpapasaya ngayon kay Lady Gaga.

Nakikipag-date ang 30-anyos na singer sa kanyang talent agent na si Christian Carino, kinumpirma ng isang source sa ET.

Hindi nahihiya ang dalawa sa kanilang PDA sa Houston, Texas noong Linggo, sa NRG Stadium bago ang kamangha-manghang pagtatanghal ni Lady Gaga sa Super Bowl halftime show. Hinalikan ni Carino si Lady Gaga sa pisngi habang kumukuha ng selfie ang huli at nakayakap si Carino sa singer.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Hindi na bago para sa Creative Artists Agency agent na magkaroon ng relasyon sa mga A-lister. Bukod kay Gaga, kumakatawan si Carino sa mga sikat na aktor at mang-aawit kabilang sina Jennifer Lopez, Neil Patrick Harris, Jared Leto, Johnny Depp, Margot Robbie, Britney Spears, Keira Knightley, Miley Cyrus, Eva Longoria, Justin Bieber, Katy Perry, Zac Efron at Demi Lovato.

Nitong Huwebes sa programang On Air With Ryan Seacrest ng KISS-FM, nahihiya pang sumagot si Lady Gaga nang tanungin kung mayroong espesyal na lalaki sa kanyang buhay sa ngayon.

“I don’t know,” sagot ng Bad Romance singer sa host na si Ryan Seacrest. “You know I don’t talk about my love life, Ryan!”

“I’m really red,” dagdag niya. “I’m really red and it doesn’t go with my outfit.”

Nakipaghiwalay si Lady Gaga sa kanyang dating fiancé na si Taylor Kinney noong nakaraang Hulyo, bagamat nananatili silang magkaibigan. “Taylor and I have always believed we are soulmates,” saad niya sa Instagram matapos ang kanilang paghihiwalay.

Nakapanayam ng ET si Lady Gaga matapos ang kanyang Super Bowl Performance noong Linggo.

“My fans mean everything to me,”saad ni Lady Gaga sa ET. “When I first started, everyone thought we were so different and so weird. We never changed who we were, and we stuck to our guns in terms of what we believe in, and now we got to perform on the biggest stage in the world with our beliefs and our diversity, and it made me really proud.”

(ET Online)