IMINUMUNGKAHI ng bagong pag-aaral na maaaring makaapekto sa kalusugan ang pagbabad sa Facebook. Napag-alaman ng mga researcher na ang pag-like sa posts ng ibang tao at pag-click sa mga link na ipinost ng mga kaibigan ay maiuugnay sa masamang mental health, physical health, at life satisfaction.

Sinasabi ng resulta sa pag-aaral na ang “social media activity and communication over social networking sites is beneficial, but too much probably gets you in trouble,” saad ni Thomas Valente, professor ng preventive medicine sa Keck School of Medicine sa University of Southern California na hindi kasali sa pag-aaral.

Ang “sweet spot” ng tao sa paggamit ng social media ay may iba’t ibang kadahilanan, kabilang na ang personal traits tulad ng edad, saad ni Valente, na nag-aaral ng mga health-promotion program na walang kinalaman sa naturang pag-aaral.

“I really applaud these authors for doing this work, (but) there’s a lot of work (yet) to be done trying to understand the effects of social networking sites specifically and social media in general,” ani Valente sa Live Science.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Sa bagong pag-aaral, sinuri ni Holly Shakya, assistant professor ng global health sa University of California, San Diego, School of Medicine, at ng kasama niya na si Dr. Nicholas A. Christakis, director ng Human Nature Lab sa Yale University, ang datos mula sa 5,200 katao na may average age na 48. Tinasa ng mga kalahok ang kanilang mental at physical health sa sukat na 1 hanggang 4 at life satisfaction mula 1 hanggang 10, at ibinahagi ang kanilang body mass index (BMI) numbers. Pinayagan din ng mga kalahok ang mga researcher na magkaroon ng access sa kanilang Facebook data.

Napag-alaman ng researchers na may mas malubhang karamdaman ang mga taong nagbibigay ng mas maraming “likes” sa Facebook. Napag-alaman din na ang mga taong mas madalas mag-update ng status sa Facebook ay may mas malubhang mental health kumpara sa mga taong hindi masyadong nag-a-update ng status.

Idinagdag pa na ang kaugnayan na ito ng kalusugan at paggamit ng Facebook ay mas lumulubha sa pagdaan ng panahon, at iminumungkahi na maaaring lalo pang lumubha ang kalagayan ng mga taong may suliranin sa kalusugan sa tuluy-tuloy pang madalas na paggamit ng Facebook, saad ng mga imbestigador. Natuklasan din ng mga researcher na ang mga taong may mataas ang BMI ay maaaring mas madalas ang paggamit ng Facebook ngunit hindi humahantong sa mas mataas na BMI, saad ng mga scientist sa pag-aaral na inilathala nitong Enero sa American Journal of Epidemiology.

Kumplikadong paksa ang tungkol sa paggamit ng tao sa social media, at hindi sumasang-ayon ang mga pag-aaral na nakakasama ang labis na paggamit ng Facebook.

Napag-alaman ng isang pag-aaral, na inilathala noong nakaraang taon sa journal Psychology of Popular Media Culture, na ang mga taong nagpakita ng kanilang romantic relationship sa Facebook ay mas mataas ang kalidad ng relasyon.

Ngunit ito ay kung totoo nga ang ipinapakitang pagmamahalan ng magkasintahan, saad ng mga researcher. Sa pag-aaral, sinukat ang pagiging wagas ng relasyon sa kasagutan sa mga tanong na tulad ng, “I share my deepest thoughts with my partner even if there’s a chance that he or she won’t understand them,” at “I’d rather think the best of my partner than to know the whole truth about him or her.” (Live Science)