Jomari copy copy

Kasama sa seryeng Wildflower ng ABS-CBN si Aiko Melendez. Ito ang pinagkakaabalahan ni Aiko ngayon at ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpaganda siya ng katawan.

Sa totoo lang, malaki ang ipinayat ng aktres kumpara noong huli namin siyang nakausap. Kaya ipinagmalaki talaga niya sa amin ang magandang hubog ng katawan niya ngayon.

“Tuluy-tuloy na ito. Kasi gusto ko talagang magkaroon ng abs. So this year, ‘yun talaga ang gusto ko, I mean ‘yung goal ko. Kailangan na magkaroon ako ng abs,” napatawa pero seryosong banggit niya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Desidido raw siyang magpapayat dahil gusto niyang maging busy sa mga proyekto. Siyempre nga naman, ‘pag magandang-maganda na ang katawan niya ay mas maraming offers na darating.

Hindi kaya ang dahilan kung bakit sexy at blooming siya ngayon ay ang sinasabing super close uli sila ng dating dyowa niyang si Jomari Yllana?

“Well, hindi naman. Kami naman ni Jomari, eh, sa tingin ko, eh, we’re better off as friends talaga,” sagot agad ni Aiko.

So, ano ang komento niya sa isyung nagkakamabutihan daw ngayon sina Jomari at Jean Garcia?

“Well, hindi naman totoo ‘yan. Si Ate Jean at Jomari are really good friends. I love Ate Jean, I adore her, alam niya ‘yan. But there’s nothing romantic going on with them. Pero kung magiging mas seryosohan na ang sa kanila ni Jomari, why not, di ba?” kuwento ng magaling na aktres.

Walang problema sa kanya kung totoo mang nagkakamabutihan na sina Jean Garcia at Jomari Yllana.

“Kasi sa totoo lang, eh, matinong babae si Ate Jean pero ako na ang nagsasabi na wala silang relasyon ni Jomari,” banggit pa ni Aiko.

Sinigurado niya na walang relasyon sina Jean at Jomari at hindi raw dapat bigyan ng anumang kulay ang friendship ng dalawa ngayon.

“‘Wag na nating bigyan ng anumang kulay ang friendship nila at ayaw ko sa akin pa manggaling at isa pa, eh, alam ko kung sino ang girlfriend ngayon ni Jom,” napatawa pang saad pa ni Ms. Aiko Melendez. (JIMI ESCALA)