KRIS A copy copy

WALANG tigil sa katatanong ang followers at fans ni Kris Aquino kung kailan siya babalik sa telebisyon. Ikinalungkot nila ang nabanggit ni Mr. Antonio Tuviera nang makausap ng entertainment editors ng iba’t ibang newspaper.

Nabanggit kasi ni Mr. Tuviera na hindi mapapanood si Kris sa free TV at sa FB lang siya mapapanod at digital show lang ang usapan nila ni Kris. Ayon pa kay Mr. Tuviera, wala silang management contract ni Kris.

Dahil dito, nag-suggest ang isang follower ni Kris for her to talk again with ABS-CBN’s bosses. Naniniwala ang fan na mahal pa rin si Kris ng mga bossing ng network.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kaya lang, ang sagot ni Kris sa suggestion ay, “How I wish life was really that simple.”

Tanong tuloy ng fan, wala na bang pag-asang magkaayos pa sina Kris at ang mga bossing ng ABS-CBN?

Anyway, ang kumpirmado, marami ang nakaka-miss kay Kris sa TV at sana nga dumating na ang araw na balik-telebisyon na siya at tuloy sa ginagawa niyang pagpapasaya sa mga tao. (NITZ MIRALLES)