GRAE FERNANDEZ copy

NAKAUSAP si Grae Fernandez ng media sa premiere night ng isang foreign film na kanyang dinaluhan kamakailan. Ang teen actor, na anak ni Mark Anthony Fernandez, ay miyembro ng Kapamilya singing group na Gimme 5.

Tinanong si Grae kung ano ang kalagayan ng kanyang ama na nakakulong pa rin ngayon sa Angeles, Pampanga simula nang maaresto sa kasong illegal possesion of marijuana noong nakaraang taon.

“I’m good with him. Yes I get to visit him. Of course, it’s still the same (ang relasyon nila). He’s good,” sagot ng 15 year-old actor na halatang umiiwas sa sasabihin kaugnay ng kasong kinakaharap ng kanyang ama.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Bagamat close si Grae sa kanyang Lola Alma (Moreno), sa kanyang Mommy Melissa pa rin siya humuhugot ng guidance at tatag ng loob.

Matagal-tagal na ring inaabangan ng kanyang fans ang muli niyang pag-arte pagkatapos niyang mabakante for almost a year sa mga serye ng ABS-CBN.

“May teleserye ako na coming up pero I can’t say the details pa. It’s for primetime, ‘yun lang masasabi ko for now,” sabi ng bagets.

Grade 9 na si Grae at ito ang pinagtutuunan niya ng pansin kapag wala siyang projects.

“I’m focused on school, of course, and my hobbies like basketball and workshops na rin. In college I don’t know, but I’m leaning towards taking a business course,” sey niya nang tanungin kung ano ang kurso na gusto niyang kunin balang araw.