SANTA IGNACIA, Tarlac - Natigmak na naman ng sariwang dugo ang highway sa Barangay Vargas sa Santa Ignacia, Tarlac makaraang magkabanggaan ang isang tricycle at isang motorsiklo, na ikinasugat ng tatlong katao nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni PO3 Hansel Purganan ang mga biktimang sina Nelson Prudencio, 37, driver ng tricycle (CR-8045); Gary Basilio, 37, ng Bgy. Sto. Domingo, Tarlac City; at Jaeh Vee Padang, 23, driver ng Kymco 110 motorcycle (CA-76747), taga-Bgy. Sta. Ines East, Santa Ignacia, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!