ISASAGAWA ng Games and Amusements Board (GAB) ang Philippine Boxing Convention sa Mayo 11-13 sa Davao City.

Ipinahayag ni GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na layunin ng pagpupulong na maisaayos ang status ng pro boxing sa bansa at mapulsuhan ang mga boxers, managers at promoter, gayundin ang iba pang sangkot sa institusyon.

“Registration is free,” pahayag ni Mitra sa kanyang Facebook post.

“We’re still finalizing the activities in the convention,” aniya.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kabilang din sa seminar ang mga referee at hurado, gayundin ang grupo ng sports medicine.

Inihayag din ng GAB na gaganapin ang Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) Convention sa Puerto Princesa City sa Palawan.

“It will also have a free registration,” ayon kay Mitra.

Pinamumunun ang OPBF ni president Juan Ramon Guanzon, dating GAB Chairman mula sa acolod City.