NAKATSIKAHAN namin si Bela Padilla sa set ng isang pelikula na co-producer ang ex-boyfriend niyang si Neil Arce ng N2 Productions. 

Business partners pa rin sila ni Neil, ito bilang producer at siya Bela naman sa creative side.

Nasa set din ang dating karelasyon ni Bela. Ang tanong ng lahat, hindi ba siya naiilang na nakikita pa rin niya si Neil? At parang hindi naman galing sa break-up ang dalaga.

“Suwerte ako na matured kami na saka story ko ’to, eh, so gusto kong gawin siya nang maayos. Nag-usap naman kami and actually, tinanong niya ako, eh, kung gusto ko na wala siya dito ’pag nag-eeksena ako kasi nga baka nga magkailangan.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Sabi ko, ‘ako, wala sa akin.’ Siya rin naman, wala rin.

Kakaiba ang samahan nina Neil at Bela, hindi katulad ng ibang magkarelasyon na hindi maganda ang paghihiwalay.

Napanatili raw nila ang maganda nilang pagkakaibigan.

“Nag-usap kami nang maayos. Ang tagal-tagal naming nag-usap. ‘Tapos, after naming mag-usap, kumain pa kami. So, talagang okay pa,” pagtatapat ng aktres.

Naka-move on na ba si Bela.

“Nasa state ako ngayon na okey pa ako. Dahil siguro ang daming trabaho, hindi ko pa siya naiisip.”

Hindi kaya gimik o kuning-kuning lang ang paghihiwalay kasi nga wala naman sa itsura niya na brokenhearted siya.

“Grabe naman sa gimik, gimik na lang tayo sa labas. Hindi ko po alam, eh. Ginagawa pa ba ng mga tao ’yan ngayon?”

balik-tanong sa amin.

Oo naman, para magkaroon ng libreng publicity. 

“Hindi ko po gustong pag-usapan ako,” mabilis niyang sabi.

Ano nga ba dahilan ng paghihiwalay nila ni Neil? 

“Wala namang reason, eh. Siguro, nag-iba na lang kami ng direksiyon ng life namin. Baka ‘yung way of thinking namin, different.”

In love pa ba siya o sa tingin ba niya ay mahal pa nila ang isa’t isa?

“I always love Neil, especially as a friend,” sabi sa amin. (REGGEE BONOAN)