TARLAC CITY - Sa kaunting halagang inumit ay nalagay sa kahihiyan at kinasuhan pa ang isang ginang sa Tarlac City, nitong Biyernes ng hapon.

Sinabi ni SPO1 Ranee Navarro na nabawi kay Victoria Esteban, 40, may asawa, ng Barangay Suizo, Tarlac City, ang isang Silk Pink at ilang Myra 400E capsule na may kabuuang halaga na P1,708.

Dakong 4:46 ng hapon nang mamili si Esteban sa supermarket ng SM City Tarlac, at bagamat binayaran ang ilang pinamili ay itinago umano nito sa bag ang mga nabanggit na inumit. (Leandro Alborote)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan