Dingdong copy copy

MAGPA-PILOT sa Pebrero 18 ang documentary series na Case Solved hosted by Dingdong Dantes.

After Eat Bulaga raw ang time slot nito. Ibig sabihin, mag-aabot pa ang airing ng bagong show ni Dingdong at ang Alyas Robin Hood primetime action series na pinagbibidahan niya.

Extended ang Alyas Robin Hood at sa Feb. 24 pa magtatapos, kaya three weeks pa mapapanood ng viewers si Dingdong sa gabi, marami pang fight at action scenes siyang gagawin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang request ng viewers, marami pang eksena na gamit ni Dingdong ang pana dahil gustung-gusto nila ‘yun.

Three weeks pa rin bago malaman kung sino kina Sarri (Megan Young) at Venus (Andrea Torres) ang makakatuluyan ni Pepe (Dingdong). Nakakatuwa na kahit alam na ng lahat na may Marian Rivera in real life si Dingdong, may mga kinikilig pa rin sa kanila ni Megan at mas marami ang kinikilig sa kanila ni Andrea.

Sino nga kaya kina Sarri at Venus ang makakatuluyan ni Pepe? Tutukan ang nalalabing tatlong linggo ng Alyas Robin Hood para malaman.

Samantala, ipinapakita na ang teaser ng Case Solved at kahit nasa harap lang ng laptop si Dingdong at walang masyadong action, may dating pa rin ang teaser. Gusto tuloy naming alamin kung ano ang ginagawa ng aktor sa harap ng laptop. (Nitz Miralles)