GINAPI ng University of Santo Tomas ang University of the East, 94-81, para makopo ang playoff berth para sa nalalabing slot sa Final Four kahapon sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Hataw si Miguel Ratuiste sa naiskor na 25 puntos at 15 rebound, habang kumana si Inand Fornilla ng double-double na may 18 puntos at 15 board para sa ikaanim na panalo sa 14 laro ng Tiger Cubs.

Pinatalsik naman ng De La Salle-Zobel ang UP Integrated School, 82-69, para makatabla ang UST sa 6-8 at maipuwersa ang playoff para sa ikaapat na seed.

Ginapi naman ng Ateneo ang Far Eastern University-Diliman, 75-70, para makisosyo sa ikalawang puwesto sa Baby Tamaraws tangan ang parehong 11-2 karta.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Muling magtutuos ang Blue Eaglets at Baby Tamaraws sa Huwebes para malaban ang No.2 team sa playoff.