Masuwerteng nakaligtas ang isang buntis at dalawa pang pasahero ng tricycle matapos itong bumaliktad sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Quezon City Police District-Traffic Sector 5 (QCPD-Traffic Sector 5) ang mga nasugatan na sina Nicholas Lamat, na siyang nagmamaneho ng tricycle; at asawa niyang si Donalyn; at isang Jojo Navarro, pawang residente ng Barangay Old Balara, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng Traffic Sector 5, dakong 5:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Bgy. Old Balara, Quezon City.

Habang binabaybay umano ng mga biktima ang kahabaan ng Commonwealth Avenue at lumiko sa U-turn slot sa bahagi ng Bgy. Old Balara, biglang sumulpot ang isang Hyundai Sedan (ATA 6184) na minamaneho ng isang Jheson Tagal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa puntong ito, sa lakas ng pagkakasalpok, tumalsik ang tricycle at bumaliktad na ikinasugat ng mga biktima.

(Jun Fabon)