Bistado sa kabaluktutan ang isang guwardiya na umano’y tirador ng mga sasakyang ipinaparada sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila nang mahuli sa aktong ninanakawan ang isang nakaparadang motorsiklo sa lugar kamakalawa.

Sa ulat ni Police Supt. Emerey Abating, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dakong 6:30 ng umaga kamakalawa nang posasan ng mga tauhan ng Tourist Police Unit, sa pangunguna ni Police Insp. Santiago Tan, Jr., ang suspek na si Richard Maxilom, 36, security guard ng Elite Security Agency, at residente ng 61A Banana Road, Potrero, Malabon City.

Binubuksan umano ni Maxilom ang compartment ng isang motorsiklo na nakaparada sa Quirino Grandstand, sa Independence Road sa Rizal Park, Ermita, kaya agad itong dinakma ng mga awtoridad. (Mary Ann Santiago)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20