Isang 17-anyos na babaeng estudyante ang nagbigti sa loob ng bahay matapos siyang pagalitan sa umano’y pagliban sa klase para makipag-date sa nobyo sa Buruanga, Aklan, iniulat kahapon ng pulisya.
Ayon sa imbestigasyon ng Buruanga Municipal Police, natagpuan ng siyam na taong gulang na kapatid ang dalagita sa pagkakabigti sa kusina ng kanilang bahay sa Barangay Nazareth sa Buruanga.
Sinabi ni Senior Insp. Willian Aguirre, hepe ng Buruanga Municipal Police, na sumama ang loob ng dalagitan sa ina nito matapos na pagalitan dahil sa hindi pagpasok sa paaralan para makipag-date sa nobyo.
Pinagbawalan na umano ang dalagita na makipagkita sa kanyang nobyo, na pinaniniwalaang labis nitong dinamdam.
(Fer Taboy)