Nadakma ng mga awtoridad ang No. 7 most wanted person sa San Mateo, Rizal kamakalawa.

Ayon kay Police Supt. Resty Damaso, hepe ng San Mateo Municipal Police Station, dakong 3:47 ng hapon inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, sa pangunguna ni PO3 Angelito Andan, si Darwin Virtuzio, nasa hustong gulang, at residente ng 15 Sandoval Street, Barangay Ampid 2, sa San Mateo, Rizal.

Sa bisa ng warrant of arrest, ikinasa ng mga awtoridad ang Manhunt Charlie na nagresulta sa pagkakadakip kay Virtuzio.

Base sa record ng pulisya, nahaharap si Virtuzio sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Illegal Possession of Dangerous Drugs matapos unang maaresto noong Agosto 31, 2016. (Mary Ann Santiago)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20