KAILANGANG patulugin ni Pinoy boxer Joey Canoy si two-division world titlist Hekkie Budler para maiuwi ang bakateng International Boxing Organization (IBO) light flyweight title sa kanilang sagupaan ngayon sa Emperor’s Palace, Kempton Park, Gauteng sa South Africa.

Tumimbang si Canoy sa official weigh-in kahapon na 106.3lbs. samantalang mas mabigat sa 107.5lbs si Budler na kumpiyansang matatamo ang kanyang ikatlong kampeonato.

Kilala ang 28-anyos na si Budler sa bansag na “Hexecutioner” at una niyang hinawakan ang IBO light flyweight title sa kontrobersiyal na 12-round majority decision sa Pilipinong si Juanito Rubillar noong 2010.

Nang maagaw sa kanya ang IBO light flyweight crown ay bumaba siya ng timbang at matagal hinawakan ang IBO at WBA minimumweight titles na nakuha sa kanya nitong 2016 ni Byron Rojas ng Nicaragua.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Muling bumalik si Budler sa light flyweight crown taglay ang kartadang 30-2-0, tampok ang siyam na TKO. - Gilbert Espeña