Ni NITZ MIRALLES

BARON Geisler
BARON Geisler
MAGKAAWAY na naman ang magkapatid na Baron at Donnie Geisler at matindi ang ipinost ni Baron sa social media. Sa isang post, sinabing “Donnie and Jen huwag kayong mapang-api. Donnie you punched my face and body out of what??? The TRUTH!!!”

May post pa siyang, “Nu’ng nag-start sila (ng) business may problema pa kay rrr nag-beg sila ng pera. Ngayon nakaewan mga auto at relo nakalimutan magbayad. Tipikal users.”

May post pa siyang may binanggit na drug addict, “I smoked with him three months ago. Sarap ng stash niya. Hanep. Nakukuha daw sa Internet from mutual friends.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Walang binanggit na pangalan si Baron, pero by reading his posts, parang alam na kung sino ang kanyang pinatutungkulan.

Nalulungkot ang netizens dahil kamamatay lang ng nanay nina Baron at Donnie at tama ang isang nag-comment na hindi pa man nakakababang-luksa, nag-aaway na ang magkapatid.