CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Halos napugot ang ulo ng isang 26-anyos na tricycle driver makaraang mabiktima ng hit-and-run nitong Huwebes ng hapon sa Nueva Ecija-Aurora Road, sa sakop ng Purok Acacia sa Barangay Pangatian sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang biktimang si Reynaldo Orfrecio Alcantara, Jr., binata, ng Bgy. Comunal, na nakaladkad pa nang ilang metro sa kalsada.

Nabatid sa imbestigasyon ni SPO1 Adrian Ramos na dakong 1:30 ng hapon at minamaneho ng biktima ang tricycle (BO-47322) patungong Palayan City nang mabunggo siya ng hindi pa tukoy na sasakyan na mabilis tumakas. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!