Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil sa road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula kahapon, Biyernes, hanggang sa Lunes (Pebrero 6).

Ayon sa abiso ng MMDA, sinimulan ang road reblocking dakong 10:00 ng gabi kahapon at ito’y magtatagal hanggang 5:00 ng umaga sa Lunes.

Nabatid na isang lane lang ang maaaring daanan ng mga motorista sa southbound lane ng Mindanao Avenue, bago mag-Tandang Sora sa Quezon City; Commonwealth Avenue, mula Don Jose Street hanggang San Simon Street, Quirino Highway (mula Arceli St., hanggang Mindanao Avenue) at westbound sa Congressional Avenue Extension sa harap ng Shell Mirana Gate. (Bella Gamotea)

National

‘Ikaw unang nang-iwan!’ PBBM, ‘gina-gaslight’ si VP Sara – Harry Roque