Aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng bahay matapos lamunin ng apoy sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Manila Fire Bureau, dakong 3:51 ng madaling araw nagsimulang sumiklab ang apoy sa isang panaderya sa Tamborong Compound, na matatagpuan sa Roberto Oca Street sa Port Area.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog, na tumupok sa mahigit 100 bahay, bago tuluyang naideklarang under control dakong 6:09 ng umaga.

Tuluyan itong naapula bandang 6:39 ng umaga.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Patuloy iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. (Mary Ann Santiago)